DSWD may paghuhugutan na sa P1,000 indigent senior citizen’s pension – SC partylist solon

Inanunsiyo ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes na  may mapapagkuhanan na ng pondo para sa P1,000 social pension ng may apat na milyong mahihirap na senior citizens sa bansa.

Sinabi ni Ordanes na kinumpirma sa kanila ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na ang karagdaganh P25.6 bilyon na kakailanganin para sa dobleng halaga ng pensyon ay huhugutin sa “unprogrammed funds” ng kagawaran.

Ani ng mambabatas ,  ang pagkakaroon na ng pondo ng dagdag na pensyon ay  bunga  ng ilang buwan nilang inasikaso at pakikipag-ugnayan sa DSWD.

Dagdag pa ni Ordanes, ang tanging hinihintay na lamang ni Sec. Gatchalian ay ang implementing rules and regulations (IRR) na magmumula sa  National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Pagbabahagi ni Ordanes nalaman niya ay sinimulan ng NCSC, na pinamumunuan ni Chairman Franklin Quijano,  ang pagbalangkas sa IRR noon pang nakaraang Agosto, ngunit makalipas ang pitong buwna ay hindi pa ito natatapos.

“Ang kailangan na lamang talaga ay ang IRR mula sa NCSC para matanggap na ng mga indigent senior citizens ang dagdag nilang pensyon na matagal na nilang hinihintay,” ani Ordanes, na lumabas na TOP 10 sa performance rating sa hanay ng partylist representatives base sa RP-Mission and Development (RPMD) survey.

“Ang pagtitiwala sa amin ay higit pa namin susuklian ng mabilis at mapagkalingang serbisyo sa ating mga minamahal na senior citizens,” sabi pa ni Ordanes.

 

 

 

Read more...