Mga convicted drug traffickers, dapat itapon sa isang isla-Sotto

 

Inquirer file photo

Ipapanukala ni Sen. Tito Sotto na magkaroon ng isang isla na paglagakan ng mga convicted drug traffickers sa halip na manatili ang mga ito sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay Sotto, kanyang irerefile ang Senate Bill 3326 na layong maihiwalay sa general population ng mga preso ang mga tinaguriang mga VIP prisoners.

Paniniwala ni Sotto, kung ihihiwalay ang mga convicted drug convicts sa hanay ng iba pang mga preso, mas matututukan ang pagbabantay sa mga ito.

Ipagbabawal din aniya ang paggamit ng mga ito ng anumang uri ng communication equipment.

Kung ilalagay aniya ang mga ito sa isang isla tulad ng ginawa sa mga preso sa Alcatraz sa Amerika noon, mas mahihirapan ang mga itong ipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Umaasa si Sotto na maipapasa ang naturang panukala sa loob ng limang buwan.

Read more...