Sen. Jinggoy, may panibagong hirit upang makalabas ng kulungan

 

Inquirer file photo

Nais ni detained Sen. Jinggoy Estrada na siya mismo ang magpasumpa sa kanyang anak na si Janella Ejercito, na uupong bagong bise-alkalde ng lungsod ng San Juan.

Kaya dahil dito, hiniling ni Estrada sa Sandiganbayan na makalabas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame sa darating na Hunyo 28.

Sa petisyon ng senador, nais niyang makalabas ng kulungan mula alas- 8:00 ng gabi hanggang alas-2:00 ng madaling araw ng susunod na araw.

Katuwiran nito, nais din niyang makadalo sa pagdiriwang ng kanilang pamilya para sa pagkapanalo ng kanyang anak sa nakalipas na eleksyon.

Ang panunumpa ni Janella Ejercito ay magaganap sa 409 Shaw Boulevard, Mandaluyong city.

Binanggit pa ng senador na ang pagpapanumpa niya sa anak ay ang kanyang huling official act bilang senador ng bansa.

Magtatapos sa Hunyo 30 ang termino ni Estrada at sa kulungan na nito halos binuo ang kanyang termino.

Read more...