Simula na ngayong araw ang pagpapaatupad ng 30-minutong “heat stroke break” para sa mga field personnel ng Metro Manila Development Authority.
Ito ay dahil sa nararanasang tag-init sa bansa.
Ayon kay MMDA acting chairman Attorney Don Artes, ito ay para maprotektahan ang mga field personnel mula sa heat exhaustion, heat stroke, at heat cramps dulot ng matinding heat wave.
Para sa mga traffic enforcets at street sweepers na duty ng 5:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, mayroon silang break ng 10:30 ng umaga.
Para sa mga duty ng 1:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi, mayroon silang break ng 3:00 ng hapon o 3:30 ng hapon.
Para sa mga duty ng 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon, mayroon silang rbeak ng 11:00 ng umaga o 11:30 ng umaga.
Para sa mga duty ng 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, mayroon silang break ng 3:00 ng hapon o 3:30 ng hapon.
Sabi ni Artes, maaring dagdagan pa ito ng 15 minuto kung aabot ang heat index ng hanggang 40 degress Celsius.