Suspendido ang number coding scheme sa Makati City sa Semana Santa.
Ayon sa abiso ng Makati City government, suspendido ang number coding sa Abril 6, Huwebes Santo at Abril 19 sa Biyernes Santo.
Suspendido rin ang number coding sa Abril 10 na Araw ng Kagitingan.
Base sa Proclamation Number 90 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halip na Abril 9, inilipat sa Abril 10 ang paggunita sa Araw ng Kagitingan.
MOST READ
LATEST STORIES