Quiapo Church nagdagdag seguridad para sa Semana Santa

 

 

 

Nagdagdag seguridad na ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Quiapo, Manila.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto ngayong Semana Santa.

Ayon kay Father Earl Valdez, tagapagsalita ng Quiapo Church, bagama’t hindi kasing dami ang pagdagsa ng mga deboto noong Nazareno 2023,  todo handa pa rin ang kanilang hanay.

“Increased security po tayo lagi sa Mahal na Araw kahit hindi pokatulad ng NAzareno 2023 ang attendees natin,” pahayag ni Valdez.

“Dadagsa ang mga deboto but not as big as our crowds during Nazareno 2023. Inaasahan din po ang increase pagdating ng motorcade subalit naghahanda rin pos a kasalukuyan ang simbahan at ang pamahalaan,” pahayag ni Valdez.

Tatalakayin pa aniya ng Quiapo zChurch kung ano ang magiging ruta ng motorcade pero ang tiyak ay sa mga boundaries lamang na nasasakupan ng Quiapo Church.

Read more...