(Courtesy: PPA)
Pinahahanda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Air Force na ihanda ang lahat ng air assets nito.
Sa pag-iinspeksyon ng Pangulo sa tatlong recommissioned C-130T units sa Clark, Pampanga, sinabi nito na dapat “ready to go” ang mga air assets ng PAF dahil sila ang first line of defense laban sa anoang uri ng external security threats.
“I therefore direct the Philippine Air Force and the AFP to continue developing your capabilities [of] conducting maintenance and repair to keep all our military assets ready to go,” pahayag ng Pangulo.
“Conduct routinary check-up and regular engineering services for added safety requirements, and provide extensive training to those who will be flying and using it,” dagdag ng Pangulo.
Dapat aniyang maging matatag ang PAF habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
“Remain steadfast as you continue to perform your duties, especially in [your] crucial role as our country’s first line of defense against external security threats,” pahayag ng Pangulo.
“I am certain that our partners will be more than willing to aid us in developing your capabilities and making the necessary investments to ensure that we achieve our shared goals for the country and for this region,” dagdag ng Pangulo.
Inispeksyon ng Pangulo ang dalawa sa tatlong C-130T aircrafts na may Tail Numbers 5011 at 5040.
“The return of this aircraft – with these tail numbers to our fleet after undergoing extensive repair and maintenance will enable the Philippine Air Force to more effectively conduct various missions, especially those involving humanitarian assistance and disaster response operations,” pahayag ng Pangulo.
Nagpasalamat ang Pangulo sa US Government at Portugal sa pagtulong sa Pilipinas na ma-recommission ang mga sasakyang panghimpapawid.