Pulis sugatan sa pananambang sa Masbate

 

Sugatan ang isang pulis matapos umanong tambangan ng pinaniniwalaang mga rebeldeng miembro ng NPA sa Masbate Miyerkules ng umaga.

Sa inisyal na ulat na ipinarating sa Kampo Crame, kinilala ang nasugatang pulis na si PO2 Rodolfo Tayong.

Pabalik na umano sa kanilang istasyon ang mga tauhan ng Pio Corpus Municipal Police Station ang pulis nang pagbabarilin ng mga rebelde.

Galing umano ang mga pulis sa pagbibigay seguridad sa isang fiesta sa isang barangay doon.

Agad naman umanong rumesponde ang Masbate Provincial Police at mga tauhan ng Philippine Army para habulin ang mga rebelde.

Read more...