Isa sa mga mastermind sa Degamo murder case natimbog na

 

Naaresto na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang umanoý isa sa mga mastermind sa pagpatay kay negros Oriental Governor Roel Degamo.

Hindi na muna tinukoy ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagkakakilanlan ng naarestong mastermind.

Main player aniya ang naarestong suspek.

Dahil dito, sinabi ni Remulla na masasabing 99 percent solved na ang kaso ni Degamo.

Ayon kay Remulla, nakalabas na sa Negros Oriental ang naarestong suspek at tatlong linggo nang nagtatago.

Nasa dalawa hanggang tatlo aniya ang masterminds sa pagpatay kay Degamo kung saan nanatiling nasa gitna ng lahat ng plano si Negros Oriental Arnolfo Teves Jr.

 

 

 

 

Read more...