Pinangunahan ng Tingog Party-list ang “performance survey” ng RP-Mission and Development Foundation, Inc (RPMD) sa nakuhang 93.5% sa hanay ng lahat ng party-list.
Kayat lubos ang pasasalamat nina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. on Friday expressed their sincerest gratitude and appreciation to the Filipino people for voting for Tingog as the top performing party-list in the House of Representatives.
“We are humbly thankful for this honor. With all humility, we thank all those who believed in us. Rest assured that this recognition from our endeared constituency will only motivate us further to work harder for the welfare of our people and our nation,” ani Romualdez.
Dagdag pa ng namumuno sa House Committee on Accounts na ang pagkilala sa kanila sa survey ay hamon din sa kanila na paghusayan pa ang kanilang mga tungkulin at paglilingkod sa kapwa.
“As a party-list group that was borne out of the worst calamity ever to hit our country, our passion for helping others runs very deep in the people that make up our organization. Kaya naman natutuwa kami na nagbubunga ang aming pagsisikap na makatulong sa ating mga kababayan,” dagdag pa ng maybahay ni Speaker Martin Romualdez.
Pinuri din niya ang iba pang party-list groups dahil sa maayos na pagta-trabaho para sa kapakanan ng mamamayan.
“This is not a competition. Magkatuwang tayong lahat para sa ikabubuti ng ating bayan at ng mamamayan,” aniya.
Sa survey, na may 10,000 respondents, pumangalawa ang ACT-CIS (89.4%), Agimat PL (88.6% ), PBA (87.9%), 4PS (87.5%), 1Rider (85.9%), Ako Bicol (85.1%.), Bagong Henerasyon (84.4%), Sagip (83.6%), at Senior Citizens (80.1%).
Samantala, sa pahayag ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes sinabi nito na malaking karangalan na mapabilang sa Top 10 performers.
“Doble ang kasiyahan dahil napapansin ng pamayanan ang ating ginagawa para sa kabutihan at kapakanan ng ating mga senior citizens at mas lalo natin papaigtingin ang ating gawain bilang kinatawan ng ating senior citizens sa Mababang Kapulungan,” ani Ordanes.