Suspek sa pagpatay sa De La Salle – Cavite student, tukoy na

PNP PHOTO

Inanunsiyo ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., na nakilala na ang suspek sa pagpatay sa 24-anyos computer science student ng De La Salle – Dasmariñas sa Cavite.

Kinilala ni Azurin ang suspek na si Angelito Erlano.

Sinalakay na ng ma pulis ang bahay ni Erlano sa Barangay San Nicolas Dos at kabilang sa mga nakuha ay mga persona na gamit, na pinaninawalaang pag-aari ng biktimang si Queen Leanne Daguisin,

Nabatid na una nang naaresto si Erlano dahil sa reklamong robbery.

Una nang nag-alok ng P1.1 milyong pabuya para sa impormasyon na magreresulta sa pagkaka-aresto sa suspek.

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si Erlano.

Natagpuang patay dahil sa mga tinamong saksak si Daguisin, na tubong Pila, Laguna,  sa kanilang dormitoryo noong Marso 28

Read more...