Provincial buses puwede sa EDSA sa Kuwaresma

Pinayagan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dumaan sa EDSA ang provincial buses simula sa Huwebes Santo, Abril 6. Ito ay hanggang sa Abril 10, araw ng Lunes, ayon pa sa ahensiya. Ang mga bus na nagmumula sa North Luzon ay maaring umabot sa kanilang terminal sa Cubao, Quezon City. Samantala, ang mga bus naman na mula sa South Luzon ay hanggang sa kanilang terminal sa Pasay City. Ginawa ang hakbang dahil sa inaasahang pagdami ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayon Semana Santa. Ito ay para na rin maging komportable ang biyahe ng mga pasahero.

Read more...