Umabot na sa mapanganib na antas ang naramdamang init sa limang lugar sa bansa kahapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Pinakamataas na naitalang heat index ay sa Catarman, Northern Samar na 46 degrees Celsius (℃) in Catarman, Northern Samar; 43℃ sa Roxas City, Capiz; 42℃ sa Cotabato City; 42℃ sa Tacloban City, Leyte; at 42℃ in Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Paliwanag ng PAGASA, ang heat index sa pagitan ng 42℃ at 51℃ ay ikinukunsidera ng “dangerous,” na maaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.
Ang mga ganitong kondisyon ay maaring humantong sa heat stroke.
Naitala noong Marso 25 ang pinakamataas na heat index na 47℃ sa San Jose, Occidental Mindoro.
MOST READ
LATEST STORIES