930M tonelada ng pagkain itinapon, pinasisilip ni Sen. Nancy Binay

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Marami sa mga Filpino ang nagugutom, ngunit noong 2019 umabot sa 930 milyong tonelada ng pagkain ang nasayan sa bansa.

Ito ang sinabi ni Sen. Nancy Binay base sa ulat ng Department of Science and Technology (DOST).

Bunga nito, inihain ni Binay ang isang resolusyon sa Senado na ang layon ay maimbestigahan ang pagkasayang ng mga pagkain.

Sa resolusyon, binanggit ng senadora ang resulta ng Social Weather Station (SWS) survet na 11 porsiyento o tatlong milyong pamilyang Filipino ang nagugutom at nagsabi na walang nakain sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon.

Paliwanag niya, layon ng kanyang nais na imbestigasyon na makabuo ng mga polisiya para resolbahin ang isyu ng “food waste” sa bansa.

Sabi pa niya, maituturing na rin na public health problem ang “plate waste” o ang mga natitirang pagkain sa hapag-kainan kayat dapat din agad na maresolba.

Sa impormasyon mula sa World Bank, ang mga itinatapon na pagkain ay katumbas ng walong porsiyento ng greenhouse gas emissions kayat malaking tulong sa kapaligiran kung mababawasan ang dami ng mga nasasayang na pagkain.

Read more...