Nilinaw ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi pa ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang apila ng Pilipinas na itigil na ang pag-iimbestiga sa ikinasang anti-illegal drugs operationsa bansa.
Sa isang panayam sa telebisyon, ipinaliwanag ni Guevarra na ang ibinasura ang unang kahilingan ng bansa na itigil ang imbestigasyon habang isasampa pa ang kanilang apila at ang desisyon sa apila.
Aniya ang inilabas na desisyon ng ICC Appeals Chamber noong Lunes ay hindi para sa isinumiteng apila noong Marso 13.
Ayon pa kay Guevarra, ito ang kanyang lilinawin ng husto kay Pangulong Marcos Jr.
Magugunita na inanunsiyo ng Punong Ehekutibo na tapos na ang lahat ng kaugnayan ng Pilipinas sa ICC matapos ipaalam sa kanya ang desisyon.
Sinabi ni sumulat siya kay Pangulong Marcos Jr., para lubos na ipaliwanag ang status ng kanilang apila.