MMDA magpapakalat ng higit 2,000 tauhan sa paggunita ng Semana Santa

Magtatalaga at magpapakalat  ang  Metro Manila Development Authority (MMDA)  ng 2,104 personnel sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila kaugnay sa paggunita sa Semana santa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA spokesperson, Atty. Melissa Carunungan  partikular na babantayan ng kanilang mga tauhan ang mga matataong lugar at mga pangunahing lansangan na malapit sa public transport terminals, airports at seaports.

Simula aniya sa Abril 3, magmomonitor na ang multi-agency command center ng sitwasyon sa mga public transport hubs.

Magkakaroon aniya ng joint inspection sa mga terminals bago mag- Semana Santa ang  MMDA, LTO, PNP, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi pa ni Carunungan na Ipatutupad din sa kanilang hanay ang  “no day-off, no absent” policy sa Abril 5,  6 at 10 habang skeletal deployment naman sa  Abril 7, 8 at 9 dahil sa pagbabantay sa Visita Iglesia.

Pagbabahagi pa nito may inihanda ang MMDA na mga alternatibong ruta tulad ng Mabuhay Lanes.

Patuloy din aniya ang clearing operations para magamit bilang Mabuhay Lanes.

Suspendido aniya ang number coding scheme sa Abril 6 haanggang 10 hanggang sa Abril 10.

Read more...