Sen. Francis Tolentino didepensahan sa ICC si Sen. Bato dela Rosa

Kinumpirma ni Senator Fracis Tolentino na tinanggap na niya ang hiling ni Senator  Ronald Bato dela Rosa na magsilbi niyang abugado sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa ikinasang “drug war” ng administrasyong-Duterte. Dagdag pa ni Tolentino handa din siyang depensahan si dating Pangulong Duterte kung nanaisin nito. Kaugnay nito ay susulat siya kay Senate President Juan Miguel Zubiri upang bigyan siya ng clearance para sa pag-aabogado kay dela Rosa. Samantala,  maaring ipatawag ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang kinatawan ng International Criminal Court o ICC. Ito ay kaugnay sa ikakasang imbestigasyon sa resolution na humihiling sa Senado na dipensahan si  Duterte sa pagsisiyasat ng ICC na may kinalaman sa inilunsad na drug war noong nakaraang administrasyon. Sinabi ng senador na nais niyang malaman muna sa kinatawan ng ICC ang iginigiit nitong kulang sa pleading ng Office of the Solicitor General kaya’t ibinasura ang apela para suspendihin ang pagsisiyasat. Nilinaw naman ni Tolentino na ang gagawin nilang pagdinig ay hindi mangangahulugan na kinikilala ng bansa ang hurisdiksyon ng ICC at sa halip ay ipapaunawa lamang sa kanila na kahit magtuloy-tuloy ang kanilang imbestigasyon ay wala rin itog pupuntahan .

Read more...