Sen. Bong Revilla sumailalim sa emergency surgery, nakalabas na ng ospital

FB SCREENGRAB PHOTO
Magpapagaling at magpapalakas na lamang si Senator  Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. makaraang sumailalim sa laporoscopic surgery. Ayon kay Revilla, nakaranas siya ng matinding pananakit ng tiyan noong Lunes bukod pa sa kaparehong karamdaman ang naranasan sa huling mga araw ng sesyon sa Senado na dahilan din ng pagtaas ng kanyang blood pressure.  Nang suriin ay natuklasang  namamaga ang  kanyang gall bladder dahil sa gallstones. Matapos ang operasyon, dalawang linggong pinagbabawalan ang senador na mag-gym o magbuhat. Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Revilla ang bahagi ng kanyang tiyan at ang mga bandage sa maliliit na sugat t dulot ng operasyon subalit iginiit na nananatili ang kanyang agimat. Naniniwala si Revilla na malaking dahilan ng kanyang gallstones ang pagiging mahilig niya sa chicharong bulaklak at mamantikang pagkain  kaya’t pinayuhan ang publiko na iwasan ang mga ito.

Read more...