200 nagkasakit dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro – DOH

Umabot na sa 200 katao ang tinamaan ng sakit dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga tumamang sakit ang respiratpry symptoms, tulad ng hika, pangangati ng balat, pagkahilo, sakit ng ulo, tiyan, pagsusuka at pagdudumi.

Pero ayon kay Vergeire, wala namang may malalang sakit at walang nasawi.

Patuloy aniya ang paalala ng DOH sa mga apektadong residente na mag-ingat.

Read more...