Sagot ng PPA sa isyu ng mataas na shipping at logistic costs hinihintay pa ni Poe

Hinihintay pa ng Senate Committee on Public Services ang sagot ng Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa isyu ng pagtataas ng shipping at logistic costs sa mga pantalan. Ito ay bilang tugon sa panawagan ng major shipping at logistics companies na magsagawa ng  pagdinig ang Senado sa naturang isyu. Ayon kay Sen.  Grace Poe, ang namumuno sa naturang komite,  sumulat na siya sa  PPA para hingiin ang paliwanag sa isyu. Kung sakali aniyang kulang ang paliwanag ng PPA at mananatiling hindi natutugunan ang problema ay magpapatawag na siya ng pagdinig. Sinabi pa ni Poe na kung sakali ay pagkatapos na ng Semana Santa niya ikakasa ang pagdinig. Giit ng senadora, anumang regulasyon ay mahaharap talaga sa pagtutol lalo na kung malaking pagbabago ito sa polisiya gayunpaman,  inaasahan ng mambabatas na magiging handa ang government regulators na magpaliwanag at depensahan ang polisiya nito sa mga stakeholders. Umaasa rin ang senadora na nagkaroon ng tamang konsultasyon bago ipinatupad ang bagong kautusan.

Read more...