Chinese chef timbog sa higit 500 kilo ng shabu sa Baguio City

Arestado ang isang Chinese citizen matapos madiskubre sa kanyang diumanoy pag-iingat ang 575 kilo ng shabu sa Baguio City kaninang umaga.

Kinilala ang naaresto na si Ming Hui, alias Tan, 51, isang chef at residente ng Barangay Irisan, Baguio City.

Base sa paunang impormasyon, alas-8:55 nang isilbi ng awtoridad ang search warrant na inisyu ni Judge Rufus Gayo, ng Baguio City RTC, para sa posibleng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na ang halaga ng mga nadiskubreng droga ay humigit kumulang P5 bilyon.

Nasaksihan naman ang operasyon nina Pros. Philip Ceasar Castel at Punong Barangay Arthur Carlos.

 

 

Read more...