Nagpalabas ng kautusan si Pangulong Marcos Jr. para magtatag ng Inter-Agency Task Force bilang suporta sa Samahang Baskebol ng Pilipinas (SBP).
Ito ay para suportahan ang SBP sa paghahanda sa FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa bansa sa Agosto.
Base sa AO Number 5, inaatasan ang lahat ng tanggapan ng gobyerno at kinauukulang ahensiya pati na ang mga local government units na suporatahan ang SBP.
Magsisilbing chairman ng task force ang pinuno ng Philippine Sports Commission (PSC) habang magiging miyembro ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health(DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism(DOT), Department of Transportation(DOTr), Bureau of Customs(BOC), Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP), at Metro Manila Development Authority (MMDA).
May patsa noong nakaraang Marso 27 ang naturang kautusan.