Iimbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang napa-ulat na puwersahang pagpapa-trabaho sa 36 mangingisdang Filipino sa Namibia, South Africa.
“Based on the testimonies that we gathered, the fishermen were sometimes made to work for 36 hours straight with only two meals a day, and an average of four hours of sleep,” ani DMW Sec. Susan Ople .
Dagdag pa ng kalihim, ang lahat ng mga dokumento ng mga mangingisda ay kinuha sa kanila, na aniya ay paglabag sa kanilang mgakarapatan.
Base sa salaysay ng ilan sa mga mangingisda, pinapaniwlaa sila na sila ay magta-trabaho sa Taiwan.
Kabilang sila sa mga nailigtas mula sa fishing vessels na MV Shang Fe at MV Nata 2 sa Walvis Bay sa Namibia noong nakaraang taon.
Nagtungo na rin ang dalawang ahensiya, ang Trioceanic Manning and Shipping, Inc. at Diamond H Marine Services and Shipping Agency, sa DMW.
Inendorso na ang kaso sa Department of Justice (DOJ) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).