Inanunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaring makaranas ng pagkawala ng kuryente sa bansa dahil sa pagbasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng extension ng kanilang ancillary services (AS) agreements o standby power supply deals.
Naglabas ang NGCP ng pahayag matapos ang pagtanggi ng ERC sa kanilang kahilingan na month-to-month extension matapos ang pagbubukas sa bids para sa AS at ang mga kontrata ay maaring ibigay hanggang sa Abril 18.
Ngunit base sa regulasyon ang anumang provisional approval mula sa ERC para sa mga bagong kasunduan ay hindi maaring mapaaga hanggang sa buwan ng Hunyo.
“Many of NGCP’s AS agreements have expired. We have resorted to month-to-month extensions of our existing agreements to ensure the sufficiency of services while the procurement process is ongoing,” ayon pa sa pahayag ng NGCP.
Bunga ng pagtanggi ng ERC, posible ang pagkaputol sa suplay ng kuryente dahil sa kakulangan ng AS.
Paliwanag ng NGCP, sinusuportahan ng NGCP ang transmisyon ng kuryente mula sa power generators patungo sa mga konsyumer.
Samantala, sa tugon ng ERC, sinabi ni chairperson Monalisa Dimalanta na hinihintay lang nila ang motion for reconsideration na maaring ihain namanng NGCP para masuri nila ang kanilang mga ginawang desisyon.