Simula sa Biyernes, Marso 31, nasa heightened alert status na ang Land Transortation Office (LTO) bilang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa at simula ng bakasyon.
Sa inilabas na abiso ng ahensiya, ang heightened alerts status ay epektibo hanggang Abril 10.
Tiniyak ni LTO Chairman Jay Art Tugade na tutukan nila ang pangkalahatang kaligtasan sa pagbiyahe simula sa roadworthiness inspection ng mga pampublikong sasakyan, gayundin ang pag-inspeksyon sa mga terminal.
Magsasagawa din ang LTO ng random drug test sa mga driver at konduktor.
“Maliban sa mga panhunahing lansangan sa Hilaha at Katimugang bahagi ng National Capital Region, kikilos at magbabantay sa mga istratehikong lugar o terminal ang mga tauhan ng LTO sa ibat-ibang rehiyon sa bansa,” ayon sa ahensiya.