Pulis na sangkot sa hit and run sa QC, sibak sa serbisyo

 

Sibak sa serbisyo ang isang opisyal habang sinuspendi naman ang tatlo pang pulis matapos masangkot sa hit and run sa isang tricycle driver sa Anonas Street, Quezon City.

Ayon kay Quezon City People’s Law Enforcement Board chairperson Rafael Calinisan, tanggal sa serbisyo si Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong.

Suspendido naman ng anim na buwan sina Police Colonel Alexander Barredo, Police Corporal Joan Vicente at Police Senior Master Sergeant Jose Soriano. Napawalang sala naman ang siyam na iba pang pulis.

Agosto noong nakaraang taon nang masagasaan ni Abong ang tricycle driver na si Joel Laroa na nasawi sa insidente.

Pero sa halip na huminto, tinakasan ni Abong ang biktima sa tulong ng mga nasuspending pulis.

Ikinatuwa naman nina Arlene, Annale at Armida mga kapatid ni Abong ang naging desisyon ng PLEB.

 

Read more...