1,739 na drayber huli sa paglabag sa exclusive motorcycle lane sa QC

 

Umabot sa 1,739 na motorista ang nahuli sa unang araw ng implementasyon ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa Metro Manila Development Authority, sa naturang bilang, 706 na motorsiklo ang nahuli habang nasa 1,033 na private cars ang nahuli.

Inilaan ng MMDA ang unang lane mula sa bangketa ng Commonwealth Avenue para sa mga bisekleta, ang ikalawang lane para sa mga public utility vehicle at ang ikatlong lane ay para sa mga motorsiklo habang ang ikaapat hanggang ika-siyam na lane ay para sa iba pang uri ng sasakyan.

Nasa P500 para sa motorcycle drivers at iba pa ang multa habang P1,200 naman ang multa para sa mga PUV drivers na hindi susunod.

 

 

Read more...