Pangulong Marcos Jr., namahagi ng higit 1,300 bahay sa Malabon

PCO PHOTO

Nasa 1,380 residential units ang ibinigay ni Pangulong Marcos Jr. sa mga informal settlers sa Malabon City.

Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Marcos ang turnover ceremony sa 23 five-story low-rise buildings sa St. Gregory Homes Project sa lungsod.

Nabatid na ang naturang proyekto ay partnership sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at lokal na pamahalaan ng Malabon.

Layunin ng proyekto na mabigyan ng maayos at ligtas na bahay ang mga residente.

Nabatid na ang mga benepisyaryo sa proyekto ay ang mga informal settlers na naninirahan sa waterways at danger zones ng Malabon.

Hanggang noong Pebrero 27, nasa 720 na units na ang ready for occupancy habang ang natitirang 400 na pamilya ay malapit na ring lumipat.

Sana po ay magsilbi ito na paalala at patunay  na ang proyektong ito ay handang gumabay  at tumulong sa inyo tungo sa pag-unlad ng inyong  pamumuhay,” pahayag ng Pangulo.

Read more...