Rep. Arnie Teves, isa sa ikinukunsiderang utak sa Degamo-slay case

 

Kasama si  Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr., sa isa sa mga ikinukunsiderang utak sa pagpatay kay dating Governor Roel Degamo.

Ito ang ibinihagi ni Justice Secretary Boying Remulla nang tanungin kung natukoy na ang nagpapatay kay Degamo.

“They can be contacted I think, they’re always on social media. Meron nga yung isa nag-text sa akin diba? I told you last week, Congressman Teves texted me,” sagot pa ni Remulla.

Itinuro naman nito ang mga state prosecutors na patuloy na nag-iimbestiga para mapagtibay pa ang mga ebidensiya at testimoniya na kanilang hawak.

Magugunita na isa sa mga arestadong suspek ang nagsabi na isang “Cong Teves” ang utak sa pagpatay.

Dagdag naman ni Remulla dalawang “utak” ang ikinukunsidera sa kaso.

 

Read more...