Bagong kaso ng COVID 19 sa bansa bumaba – DOH

Labing isang porsiyento ang naging pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa nakalipas na isang linggo.

Base sa inilabas na bulletin ngayon araw ng Department of Health (DOH) kabuuang 1,298 bagong Covid-19 cases ang naitala noong Marso 20 hanggang kahapon.

Bunga nito, 185 ang daily average cases, mas mababa ng 11 porsiyento kumpara sa naitala noong Marso 13 hanggang 19.

Karagdagang 10 ang nailista sa severe at critical cases.

Sa 2,041 ICU beds, 285 ang okupado para sa 14.9 porsiyento, samantalang sa 16,335 non-ICU beds, 2,690 ang okupado para sa 16.5 porsiyento.

Nadagdagan naman 60 ang bilang na namatay, samantalang walang naitalang namatay sa nakalipas na dalawang linggo.

 

Read more...