Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang isang bangka na may karga na mga puslit na sigarilyo sa karagatan sakop ng Barangay Arena Blanco sa lungsod ng Zamboanga.
Nagsagawa ng seaborne patrol ang pinagsanib na puwersa ng BOC-POZ Enforcement and Security Service (ESS) , Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) nang mamataan ang bangkang Jungkong.
Nagmula ang bangka sa Jolo, Sulu at ito ay may apat na tripulante.
Nabigo ang apat na magpakita ng mga dokumento para sa karga nilang 141 master cases ng mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P4.9 milyon.
Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa R.A. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016.