Inilatag na ng Commission on Elections (Comelec) ang calendar of activities para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.
Simula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29, ipatutupad ng Comelec ang election gun ban.
Sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa mga kakandidato sa BSKE.
Ipagbabawal ng Comelec ang pangangampanya sa Setyembre 3 hanggang Oktubre 18.
Sa Oktubre 19 hanggang 28 aarangkada ang campaign period.
Sa Oktubre 29 hanggang 30.ipagbabawal na ang pangangampanya at ipatutupad na rin ang liquor ban.
Sa Oktubre 30ang mismong araw na magsisimula ng 7:00 ng umaga at tatagal ng hanggang 3:00 ng hapon. Sa Nobyembre 29 naman itinakda ang huling araw ng paghahain ng Statements of Contribution and Expenditures.