PAGASA nagbabala sa pagpasok ng El Niño, tagtuyot

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang nararanasang ENSO-neutral condition — na maaring La Niña o El Niño ay maaring magpatuloy hanggang Hulyo o Agosto.

Ngunit ayon na rin sa PAGASA tumaas ang posibilidad na patungo sa  El Niño o mainit na panahon ang magpapatuloy sa Hulyo hanggang Setyembre at maari pang umabot hanggang sa susunod na taon.

Itinaas na rin ng ahensiya ang El Niño Watch, na ginagawa kung tumaas na sa  55 porsiyento ang posibilidad na El Niño ang mararanasan sa susunod na anim na buwan.

Babala na lamang ng PAGASA sa El Niño makakaranas na mababa pa sa normal na pag-ulan at ito ay magdudulot ng tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.

Kayat hinikayat ang pagtitipid ng tubig at ibinabala din ang maaring pagkalugi o pagbaba ng produksyon sa sektor ng agrikultura.

Read more...