Dagdag industry partners, stakeholders sa TESDA 2023 Philippine National Skills Competition

TESDA PHOTO

Nakakakuha pa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na karagdagang industry partners at tech-voc stakeholders para sa isasagawang 2023 Philippine National Skills Competition (PNSC).

Higit 20 partners na ang nagpahiwatig ng suporta sa isang linggong skills competition na magsisimula ngayon araw kung saan higit 150 ang kalahok sa buong bansa.

Magtatagisan ang mga kalahok sa 18 skill areas.

Binigyan din ni TESDA Director Gen. Danilo Cruz ang kahalagahan ng suporta mula sa pribadong sektor at gobyerno.

“We are grateful to these partners. Their assistance in the conduct of the 2023 PNSC shall help in the smooth implementation of the skills competition,” ani Cruz.

Diin niya malaking tulong sa TESDA ang tulong at suporta ng private stakeholders sa tech-voc training sa bansa.

Read more...