Hinikayat ng Drug Policy Reform Initiative (DPRI) ang lahat ng mga media practitioners sa bansa na magsumite ng online applications para sa isang media fellowship.
Layon ng proyekto na mapalawak pa ang kaalaman ng Filipino media practitioners sa isyu na may kinalaman sa droga.
Maaring magsumite ng aplikasyon hanggang sa Lunes, Marso 27
www.tinyurl.com/DPRIFellowship kalakip ang kanilang curriculum vitae at ang istorya na kanilang naiisip gawin.
May 20 aplikante ang pipiliin at bibigyan sila ng P15,000 hanggang P30,000 na kanilang magagamit sa paggawa ng kanilang istorya.
Ang tema ng proyekto ng DPRI ay “Putting People First – Media Fellowship for Humane Drug Policy.”
Ang mga lalahok ay sasailalim sa training, coaching, at feedback sessions ng mga kapwa journalists at advocates mula Abril hanggang Mayo ngayon taon.
Bukas ang fellowship sa lahat ng Filipino editors, reporters, photojournalists, anchors at news managers sa bansa.