Magpapadala na rin ang South Korea ng tulong para sa oil spill clean-up sa Oriental Mindoro, ayon sa Embahada ng South Korea sa Pilipinas.
Nabatid na mga tauhan din ng Korean Coast Guard ang darating sa bansa sa Lunes, Marso 27 at mananatili sila sa bansa ng isang linggo.
Ang mga ito ay may bitbit na 20 tonelada ng sorbet pads at snares; 1,000 metro ng solid flotation curtain boom; at 2,000 sets ng personal protective equipment.
“This is the first time Korea has provided assistance for the prevention of marine pollution,” ayon sa embahada.
Ang South Korea ang ikatlong bansa na nagpadala ng tulong sa Pilipinas.
Nauna nang sumaklolo ang Japan at US sa pamamagitan ng pagpapadala ng enviromental experts at mga kagamitan.
“Korea highly values the importance of restoring areas affected by environmental disasters and accidents,” dagdag pa ng embahada.