Dating FL Imelda Marcos, buhay pa! – Imee

 

Pinabulaanan ni Senator Imee Marcos ang mga kumakalat na tsismis na namatay na ang kanyang ina, si dating First Lady Imelda Marcos.

“Last week pa yan, ang bad ng nagkakalat,” ang sagot ng nakakabatang Marcos.

Hiningian ng komento ang senadora dahil naging “viral” sa Twitter ang post na namatay na ang ina nila ni Pangulong Marcos Jr.

Naging “viral” din ang naturang tsismis sa iba pang social media platforms.

Ngayon ay 93 anyos na ang dating Unang Ginang.

Read more...