Enrile nagpaliwanag sa posisyon sa Charter change, pabor sa Con Ass

SENATE PRIB PHOTO

Humarap si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile sa Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Codes para ihayag ang kanyang mga saloobin ukol sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sang-ayon si Enrile na napapanahon na para rebisahin ang ilang probisyon sa Saligang Batas, partikular na ang mga may kinalaman sa ekonomiya.

Ngunit aniya mas makakabuti kung ang isinusulong na Charter change o Cha-cha ay isasagawa sa pamamagitan ng Constitutional Assembly 0 Con-Ass sa halip na Constitutional Concention o Con-Con.

Katuwiran ni Enrile mas mangangailangan ng malaking pondo sa Con-Con at ito ay hindi ikakatuwa ng sambayanan dahil pera nila ang gagastusin.

Sa pagtataya, maaring mangailangan ng P10 bilyon para sa Con-Con samantalang P30 milyon lang ang maaring magastos sa Con-Ass.

Samantala, sinabi ni Sen. Robinhood Padilla, ang namumuno sa komite, minabuti niyang imbitahan si Enrile sa paniniwalang malawak ang kaalaman at karanasan nito sa pulitika

 

 

 

 

Read more...