Rep. Teves hindi sumipot sa ethics probe, House panel may rekomendasyon na

Dahil sa kabiguan na humarap, may konklusyon na ang House Committee on Ethics and Privileges sa patuloy na “absence without official leave” ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo “Arnie” Teves.

Sinabi ni COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares, ang namumuno sa komite, nagkaroon na sila ng konklusyon dahil hindi sumipot si pagdinig si Teves.

“The committee has reached a conclusion by a unanimous voting and we will transmit and submit our report at once and recommendation to the plenary for appropriate action,” ani Espares matapos ang closed-door meeting ng kumite kahapon ng hapon.

Tumanggi naman si Espares na banggitin ang kanilang rekomendasyon sa katuwiran na paglabag ito sa kanilang committee rules.

Noong Lunes, tinangka pa ni Teves na makilahok sa sesyon “virtually” ngunit hindi siya napagbigyan, gayundin sa komite.

“We also gave him ample time to appear in person before the committee and explain to the House members the valid reason for his unauthorized absence from duty,” ani Espares patukoy kay Teves.

Nabigyan si Teves ng “travel authority” na may bisa ng Pebrero 28 hanggang Marso 9, para sumailalim sa stem cell treatment sa US.

Kabilang siya sa mga isinasangkot sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo noong Marso 4 bagamat itinanggi na niya ito sa pamamagitan ng video message.

Pinakiusapan na rin siya ni House Speaker Martin Romualdez na magbalik na sa Pilipinas para depensahan ang sarili ngunit tumanggi ito sa katuwiran na pakiramdam niya ang delikado ang kanyang kaligtasan, maging ng kanyang pamilya.

Read more...