Nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs – NAIA ang halos 59 kilo ng shabu na nagmula sa Guinea, Africa.
Pinangunahan ni Bureau of Customs (BOC) Comm. Bienvenido Y. Rubio, ang inspeksyon sa mga kargamento na idineklarang naglalaman ng spare parts at inilagak sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City.
Dahil sa mga kahina-hinalang imahen nang dumaan ang mga kargamento sa NAIA x-ray machines, hiniling ng mga operatiba na sumailalim ito sa physical examination.
Kasunod na nito ang pagkakadiskubre ng 58.93 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit P400.7 milyon.
Iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sina Melanio Lopez at Steve Caro, na mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10863 also known as the Customs Modernization Act (CMTA).