WATCH: Muling nagkagulo sa demolisyon sa Culiat, Quezon City

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas
Sumiklab na naman ang kaguluhan sa demolisyon sa mga kabahayan sa Culiat, Quezon City.

Itinuloy kasi ng demolition team ang paggiba sa mga bahay ngayong araw na inumpisahan kahapon.

Kung kahapon ay nambato at namukpok ang mga residenteng tutol sa demolisyon, ngayong araw ay mga kababaihang residente naman sa lugar ang tumutol sa demolisyon.

Hinarang ng mga residente ang mga tauhan ng SWAT na itinalaga sa lugar para umasiste sa mga demolition team.

Hinanapan pa ng ID ng mga residente ang mga tauhan ng SWAT.

Nang magsimula nang pumasok ang mga demolition team, para ituloy ang paggiba sa mga bahay na inumpisahan kahapon, ay lalong tumindi ang tensyon.

Ito ay matapos na atakihin umano sa puso ang isa sa mga lalaking residente sa lugar.

Galit na galit na lumabas ng bahay ang mga residente at sinigawan ang demolition team.

Anila, ang mga otoridad ang dahilan kaya inatake ang lalaki dahil sa pagpipilit ng mga ito na pasukin ang compound at gibain ang mga bahay.

Read more...