Fishing boat, nasunog habang nakadaong sa Navotas fish port

Photo from PCG
Photo from PCG

Isang barkong pangisda ang nasunog habang nakadaong sa Navotas fish port.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), isinasailalim sa repair ang F/V Tobias Reynald nang bigla na lamang itong magliyab.

Lumalabas na inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa bridge ng bangka kung saan may isinasagawang repair works.

Tumagal ang sunog ng halos isang oras na naapula ng mga nagrespondeng mga tauhan ng Coast Guard at Bureau of Fire Protection (BFP).

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog habang inaalam pa rin kung ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng apoy.

 

Read more...