Full devolution sa LGUs ikinakasa na

 

 

Ililipat na ng national government sa local government units ang pamamahala sa ilang mga proyekto ng gobyerno.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order 138 o ang full devolution sa LGUs.

Ayon kay Pangandaman, pag-aaralan ng kanilang hanay ang EO at inaasahang matatapos sa susunod na dalawang buwan.

Sabi ni Pangandaman, nasa 450 na LGUs pa ang hindi handa sa full devolution.

Kulang kasi aniya ang kanilang technical expertise at kapasidad para magpagawa ng mga malalaking proyekto.

Una nang sinabi ng Pangulo na kailangan na palakasin ang LGUs para makatulong sa pagpapalago sa ekonomiya ng bansa.

 

 

 

Read more...