Apat pang suspek sa Degamo murder case, sumuko

 

Apat pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang sumuko sa militar.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, dating mga sundalo ang apat na suspek.

Direct participants at major players aniya ang apat na sumukong suspek.

Sabi ni Remulla, dadalhin sa Maynila ang apat na suspek  bukas,  Miyerkules mula sa Negros Oriental para ilagay sa kustodiya ng National Bureau of Investigation.

Una rito ay may apat ng suspek na nadakip at may isang sumuko noong Biyernes.

Dahil dito, aabot na sa siyam na suspek ang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Sa pagtaya ni Remulla, aabot pa sa tatlo ang hinahanap ng awtoridad.

 

Read more...