POGO-related kidnappings nagpapatuloy – Gatchalian

 

 

Ibinahagi ni Senator Sherwin Gatchalian na nagpapatuloy ang mga insidente ng pagdukot na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ito ay sa kabila ng mga pagtitiyak ng pulisya na hinaharap nila ang mga krimen na may kinalaman sa POGO.

Ang pahayag na ito ni Gatchalian ay bahagi ng kanyang ulat bilang namumuno sa Senate Committee on Ways and Means na nagsagawa ng serye ng pagdinig ukol sa epekto ng operasyon ng POGOs sa bansa.

Aniya sa isang sulat mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na may petsang Marso 9, ngayon taon, kinumpirma ang isang kaso ng pagdukot na kinasasangkutan ng  licensed POGO service provider sa bansa.

“This is alarming as it shows some POGOs continue to engage themselves in illegal activities,” diin ni Gatchalian.

Ito aniya ay pambabastos na sa mga batas ng Pilipinas.

Read more...