LA Tenorio may stage 3 colon cancer

 

May stage 3 colon cancer si Barangay Ginebra star LA Tenorio.

Ayon sa pahayag ni Tenorio na inilabas sa Philippine Basketball Association website, ito ang dahilan kung kaya nawala na siya sa basketball simula noong Enero.

Sinabi pa ni Tenorio na ginamit niyang rason ang minor injury para magpahinga sa PBA.

Agad naman na humingi ng pasensya si Tenorio saa kanyang teammates, coaches, PBA, fans, media at mga kaibigan.

Sinabi pa ni Tenorio na sisimulan niyang magpagamot sa mga susunod na buwan.

Naging dedikasyon na ng buhay ni Tenorio ang mundo ng basketball.

 

 

Read more...