DepEd tiniyak ang kooperasyon sa panukalang kontra ‘no permit, no exam policy’

INQUIRER FILE

 

Makikipagtulungan ang Department of Education (DepEd) sa Kongreso ukol sa isinusulong na panukalang nagbabawal sa  “no permit, no exam policy” sa mga pribadong paaralan.

Ito ang pagtitiyak ni Vice President at Education Secertary Sara Duterte sa panayam sa kanya sa paggunita ng Quezon City Police District ng Women’s Month.

Aniya hihintayin nila ang kalalabasan ng mga ginagawang pag-uusap sa Kongreso ukol sa panukala.

Tiniyak niya ang partisipasyon ng kagawaran sa lahat ng mga pagdinig  sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kahapon lumusot na sa third and final reading ang Senate Bill 1359 o ang “No Permit, No Exam” Prohibition Act na inisponsoran ni Sen. Francis Escudero.

Layon ng batas na makakuha ng eksaminasyon ang isang estudyante sa kabila ng kabiguan na makapagbayad ng tuition at iba pang bayarin sa eskuwelahan.

Sa Kamara, naipasa na ang  House Bill  No. 1160, o ang “An Act Penalizing the Imposition of a “No Permit, No Exam” Policy.”

Read more...