Matapos ang panibagong pamumugot ng ASG, PNoy, pupunta sa Sulu ngayong araw

pnoyMagtutungo ngayong araw si Pangulo Benigno Aquino III sa Jolo, Sulu.

Walang ipinalabas na opisyal na schedule ng pangulo ang Malakanyang pero ang balita ay pupunta sa Sulu si PNoy para kumustahin ang mga sundalo na nagsasagawa ng operasyon laban sa bandidong Abu Sayyaf.

Wala ring inilabas na impormasyon kung anong oras eksakto darating sa Jolo ang pangulo.

Pero inaasahang sasamantalahin ito ng pangulo para humingi ng briefer o update sa lagay ng ongoing military at law enforcement operation ng pinagsamang pwersa ng pulisya at militar sa pinaniniwalaang kuta doon ng bandidong grupo.

Kung pahihintulutan ng sitwasyon, posibleng magpa -unlak ng panayam si Pangulong Aquino.

Matatandaan na noong Lunes, isa pang bihag na dayuhan ang pinugutan ng ulo ng bandidong grupo.

 

 

Read more...