Shabu at mga armas, nasabat sa isang hinihinalang tulak ng droga sa Pasay City

shabuArestado sa isinagawang operasyon sa Pasay City ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ang isang hinihinalang drug pusher.

Nadakip sa kaniyang bahay sa Brgy. 69 Zone 9 Pasay City ang suspek na si Adriano Cuenca.

Nakuha mula kay Cuenca ang isang plastic ng shabu, mga drug paraphernalia, isang sachet ng marijuana, isang Mk2 grenade, mga replica ng armalite at mga bala.

Ayon sa mga otoridad matagal na nilang minamanmanan ang suspek dahil sa sumbong ng mga residente sa lugar hinggi sa illegal nitong gawain.

Dahil dito, nagkasa na ng operasyon ang mga tauhan ng AIDG na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

Read more...