PNP sa publiko: ‘Huwag na sanang i-highlight ang pagpatay sa hostage’

 

Inquirer file photo

Umapela ang pamunuan ng PNP sa mga mamamahayag na sanay huwag nang i-highlight pa ang karumaldumal na ginawang pagpatay ng ASG sa isang dayuhang bihag nito.

Ayon kay PNP Spokesman CSupt Wilben Mayor, makakadagdag lang umano ito sa pagdurusa at bigat ng kalooban ng mga kaanak ng biktima maging ng kanyang mga kababayan.

Pakiusap ni Mayor sa media, respetuhin ang pagdadalamhati ng mga naiwang kaanak ng biktima at huwag ng masyadong bigyang pansin ang paraanan ng ginawang execution sa kaawa-awang bihag.

Ani Mayor, ang ganitong uri umano ng pagpatay ng grupo ng mga demonyo at demonyito sa mga inosenteng sibilyan ay kailangang kundenahin ng buong lipunan.

Read more...